Connect with us

Regional News

4 sa mga nag-attend ng birthday party sa CDO, nag-positive sa COVID-19 Delta Variant

Published

on

Delta Variant sa Birthday Party

Apat sa mga attendees ng isang birthday party sa Cagayan de Oro ay nag-positive sa COVID-19 Delta variant.

Sa ulat ng “24 Oras Weekend” ng GMA nitong Linggo, isang unnamed na indibidwal ang umuwi sa kanyang tirahan sa Cagayan de Oro mula sa kanyang workplace sa Bukidnon para sa isang birthday celebration noong Hunyo 18.

Lima sa mga celebration attendees ay nag-positive sa COVID-19, kung saan apat ay Delta cases, habang ina-alam pa rin kung ano ang variant ng indibidwal na umuwi sa Cagayan de Oro mula Bukidnon.

Nagsagawa na ng contact tracing ang mga health authorities at kasalukuyang mino-monitor ang mga indibidwal.

“Even if you are fully vaccinated, your vaccination will only protect you from getting the more severe COVID, but that will not also make you not vulnerable from not getting the infection,” ayon kay Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases expert.

Nitong weekend, may naitalang 55 karagdagang Delta COVID-19 cases sa Pilipinas, kung saan ang kabuuang mga kaso na ngayon ay umabot na sa 119.

May naitalang 5,479 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon, Hulyo 25, may kabuuang caseload na 1,548,755, kung saan 54,262 ay mga active cases; 1,467,269 ang naka-recover at 27,224 ang namatay.

Source: GMANews