Connect with us

Regional News

Delta variant natunton sa mga construction workers sa Bataan

Published

on

delta variant sa Bataan

Sa probinsya ng Bataan natunton ang mas nakakahawa na Delta variant ng COVID-19. Napag-alaman na nangaling ito sa mga manggagawa ng isang construction company na contracted ng investment firm sa Freeport Area of Bataan (FAB), ayon sa mga awtoridad kahapon.

Ayon kay Orion Mayor Antonio Raymundo, anim na manggagawa ay kaagad na quarantined, at nakarecover na sila sa sakit.

Sa ngayon, hindi pa alam kung paano na infect ang mga manggagawa ng Delta variant, na nagmula sa India.

Noong nakaraang linggo, ayon kay Gov. Albert Garcia, anim na cases ng Delta variant ang unang na detect sa probinsya base sa report galing sa Department of Health.

Ayon naman kay Dr. Rosanna Bucchan, ang provincial health officer, matatagalan sila sa pag identify ng mga pasyente na maaring mayroong Delta variant sa probinsya.

Dagdag pa ni Mariveles, Mayor Jocelyn Castaneda, na ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bayan ay maaring dahil sa mga “authorized persons outsides residence” at ang mishandling ng mga virus-infected patients.

Source: Inquirer.Net