Tech
8-digits na landline numbers, ipinatutupad na
Pinapaalalahanan ng mga telecommunication provider at business establishment ang kanilang nga kliyente na ipatutupad na ang paggamit ng 8-digit landline numbers mula sa 7 digits na epektibo na sa Oct. 6 ngayong taon.
Ito ay bilang pagsunod sa direktiba ng National Telecommunications Commission (NTC).
Sa ilalim ng NTC Memorandum Order No. 10-10-2017, bawat telco ay binigyan ng “identifier” bilang additional prefix na idadagdag sa kasalukuyang phone numbers na may area code na (02).
Ipinatupad ang pagbabago bilang tugon sa pagdami ng mga numero ng landline users sa area, ayon sa Globe Telecom at PLDT Inc.
Ang Globe landline customers na may area code na (02) ay kinakailangan magdagdag ng number “7” sa kanilang existing number simula Oct. 6. Ang subsidiary naman nito na Bayan Telecommunications ay may number “3” naman bilang identifier.
Samantala, Number “8”, naman ang in-assign sa PLDT. Inc.
Paalala pa ng PLDT, kapag na-activate na ang migration, hindi na matatawagan pa ang 7-digit phone numbers.
- Narito ang mga sample format ng bagong numero:
- Globe/Duo: New format (02) 7210-XXXX from (02) 210-XXXX
- Bayan Telecommunications: New format (02) 3220-XXXX from (02) 220-XXXX
- PLDT: (02) 8535889
Samantala, inanunsyo naman ng mga telco na makararanas ng limang oras na downtime ang publiko mula 12 a.m. to 5 a.m. sa Oct. 6 kaugnay ng migration period.
Nag-anunsyo rin ang iba’t ibang mga bangko ng bago nilang mga hotline numbers na 8 digits.
Narito ang updated hotline numbers ng mga major banks:
- UnionBank: (02) 8-841-8600
- BPI: (02) 889-10000
- BDO: (02) 8631-800
- Security Bank: (02) 888-791-88
- EastWest Bank: (02) 888-1700