Weather
Itinaas ng PAGASA sa Signal No. 1 ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Odette


Inaasahan lalong lalakas ang bagyong Odette ngayon araw, hanggang bukas habang gumagalaw ito sa Philippine Sea, itinaas sa Sinal No. 1 ng PAGASA ang ilang lugar sa Eastern Visayas at Mindanao.
Batay sa 5:00 am bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa may 735 km East ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang 4:00 am, ito’y may maximum sustained winds na 110 km/h at may bugso na umaabot hanggang 135 km/h.
Ang bagyong Odette ay gumagalaw sa direksyong west northwestard na may bilis na 25 km/h.
Makakaranas ng maulap na may sacttered rainshowers at thunderstorms ang Eastern Visayas dulot ng trough ng bagyong Odette, habang magkakaroon ng bahagyang maulap hangganag sa maulap na panahon na may isolated rainshowers o thunderstorms ang Western Visayas, Palawan, kabilang ang Kalayaan Islands at ang Occidental Mindoro.
Ayon sa PAGASA, inaasahan na pagdating ng Biyernes ng umaga hanggang sa Sabado, makakaranas ng heavy hanggang intense na may paminsan-minsan torrential na ulan ang Western Visayas, Northern at Central portions ng Palawan kabilang ang Cuyo at Cagayancillo Islands.
Dagdag pa nila, dahil sa bagyong Odette, nag-isyu sila ng Gale Warning sa seaboards ng Northern Luzon, eastern seaboard ng Central Luzon, eastern at western seaboards ng Southern Luzon, western seaboard ng Visayas, at eastern seaboard ng Mindanao ngayong araw.
Samantala, itinaas sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
Visayas
- Northern Samar
- Eastern Samar
- Samar
- Biliran
- Leyte
- Southern Leyte
- Bohol
- northern at central portions ng Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands
Mindanao
- Dinagat Islands
- Surigao del Norte
- Surigao del Sur
- Agusan del Norte
- Agusan del Sur
- Camiguin
- Eastern portion ng Misamis Oriental