Weather
Maulan na panahon iiral sa Visayas; tropical depression sa labas ng PAR, inaasahang papasok sa Pilipinas bukas -PAGASA
Maapektuhan ng shearline ang silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas, samantala, maapektuhan ng Northeast Monsoon ang Northern at Central Luzon.
Ayon sa 5 am bulletin ng Pagasa, makakaranas ng maulap na may scattered rainshowers at thunderstorms ang Eastern Visayas dahil sa shear line.
Dagdag nito, ang Central at Western Visayas, Palawan kabilang ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na may isolated rainshowers o thunderstorms.
Samantala, ang binabantayan na bagyo ng Pagasa sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay isa pa ring tropical depression (as of 3:00 am).
Ito ay nasa 1,900 km Silangan ng Mindanao o 2,215 km Timog-silangan ng Legazpi City, Albay. Ito’y may maximum sustained winds na 55 kph at bugsong umaabot hanggang 70 kph.
Kasalukuyan, gumagalaw ito sa direksyong West Northwestward na may bilis na 20 kph.
Tinatayang papasok ang bagyo sa Pilipinas bukas, at papangalangang itong bagyong “Odette,” inaasahan rin na lalakas pa ito at aabot hanggang “Typhoon” category.
Moderate hanggang sa malakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa Visayas, Occidental Mindoro at Palawan kabilang ang Kalayaan Islands na may moderate hanggang sa malakas na alon sa dagat.