Weather
Signal No. 1 inaasahang itataas sa Eastern Visayas at Mindanao kapag nakapasok sa loob ng PAR ang bagyong “Rai”
Maaring mag-isyu ng tropical cyclone wind signals ang PAGASA sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao mamayang hapon o gabi habang patuloy na lumalakas ang bagyong “Rai” (international name).
Ayon sa PAGASA, kapag nakapasok na ang bagyong “Rai” sa Pilipinas, bibigyan na ito ng pangalang “Odette.”
Nanatili pa rin sa labas ng Philippine Area of Responsibiliy (PAR) ang bagyo at batay sa kanilang 10 pm advisory noong Dec. 13, namataan ito sa may 1,585 kilometers east ng Mindanao.
Mayroong itong maximum sustained winds ng 65 kph, bugso na umaabot hanggang 80 kph at gumagalaw ito sa direksyon ng west-northwestward na may bilis na 20 kph.
Ang susunod na advisory ng PAGASA sa bagyong “Rai” ay lalabas mamayang 11 am.
Dagdag ng PAGASA, ang possibleng pinaka-mataas na signal na kanilang mabibigay ay Signal No. 3.
Nagbabala rin sila na ang passage ng bagyo ay maaring magdala ng heavy hanggang torrential rainfall sa Visayas, Mindanao at ilang probinsya ng Southern Luzon.
“RAI” will begin moving westward over the Philippine Sea on Wednesday morning and may make landfall in the vicinity of Caraga or Eastern Visayas by Thursday (16 December) afternoon or evening” sabi ng PAGASA.
“Coastal inundation due to high waves near the coast and storm surge are also possible for low-lying localities near and along the path of the typhoon,” dagdag pa nila.
Samantala, ayon sa 5 am bulletin ng PAGASA, makakaranas ng maulap na may scattered rainshowers at thunderstorms ang Eastern Visayas dahil sa shear line.
Moderate hanggang sa malakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa Visayas, Occidental Mindoro, at Palawan kabilang na ang Kalayaan Islands na may moderate hanggang sa malakas na alon.