Connect with us

Aklan News

MGA WORKERS NA UUWI, HINDI MUNA PABABALIKIN SA MALAY

Published

on

Malay, Aklan – NILINAW ni Malay Mayor Frolibar Bautista na hindi muna papayagang makabalik sa Malay ang mga workers na magsisiuwian sa kani-kanilang bayan at probinsya hangga’t may community quarantine.

Ayon kay Mayor Bautista, pinapayagan nila ang pag uwi ng mga ito at binibigyan nila ng libreng health certificate at travel pass basta nakumpleto na ang mga certificate of acceptance na manggagaling sa kanilang Kapitan at Mayor.

Ito ay para mapasigurong tatanggapin sila sa kanilang pag-uwi dahil hindi na sila makakabalik agad sa Malay. Magkakaroon ng guidelines ang LGU Malay kung sakaling papayagan na nila ang pagbalik muli ng mga ito.

Kasama na rito ang clearance mula sa kanilang kompanya o employer na sila ay magbubukas na muli at kung pinapayagan ng LGU alinsunod sa mga pinapayagang industriya na mag operate sa panahon ng New Normal.

Dahil dito ay kailangan nilang kumuha ng travel pass para may record sila sa LGU Malay na titingnan sa kanilang pagbalik. Umpisa sa May 1 hanggang 15 ay General Community Quarantine na ang Malay at hindi pa sigurado kung tatanggalin ito sa May 16 para maging New Normal na.