Connect with us

Business

DITO, GAGASTUSAN ANG PAGPAPATAYO NG TOWER SA HALIP NA MAGPA-ENDORSE SA MGA KPOP STARS

Published

on

Dito Telecom
Larawan mula sa https://www.facebook.com/Dito-Telecom-Philippines-113944347100272/

Sa halip na gumastos sa pagkuha ng mga endorser na Kpop artists at Koreanong artista, mas pipiliin umano ng DITO Telecommunity na magpatayo ng mga tower at palawakin ang kanilang network reach. Ito ang pahayag ng chief administrative officer ng third telco na si Adel Tamano sa isang virtual briefing.

Ang DITO, na pag-aari ng negosyanteng si Dennis Uy ng Davao at ng China Telecom, ay ilulunsad na sa Davao at Cebu sa Marso 8.

Una itong dadalhin sa 17 lungsod at munisipalidad sa Visayas at Mindanao, bago ilunsad sa National Capital Region at sa iba pang mga lugar sa Pilipinas.

Subalit, hindi umano magiging enggrande ang launching sa Marso 8, ayon kay Tamano.

“We’d rather spend on towers and network than on K-pop stars. Being very showbiz I do enjoy K-pop drama once in a while but we’d rather spend our money on towers,” ani Tamano.

Ang magiging endorser daw nila ay ang publiko na masisiyahan sa serbisyo ng DITO kaya hindi na nila kailangang gumastos ng milyun milyon para kumuha ng malalaking pangalan bilang endorser.

“We envisioned ourselves as a much humbler company. Nothing grand for our commercial launch. Something that I hope will be seen by the public as a good gesture,” dagdag pa ni Tamano.

Matatandaang kamakailan lang ay kinontrata ng PLDT Inc at Globe Telecom ang mga kilalang artista mula sa Korea na sina Hyun Bin at Son Ye Jin, pati na rin ang sikat na Kpop group na Blackpink.

Continue Reading