Connect with us

Health

May kumpirmadong 177 bagong kaso ng Delta variant ang bansa; karamihan ay naka-recover na -DOH

Published

on

PH Delta variant updates

Nitong Huwebes, kinumpirma ng health department na may 177 karagdagang kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa, karamihan ay naka-recover na mula sa sakit.

Sa 177 karagdagang Delta variant carriers, 173 ay gumaling na, isa namatay, habang ang tatlo ay sinusuri pa. Ito’y ayon sa Department of Health.

Samantala, karamihan o 144 sa karagdagang kaso ng Delta variant ay lokal infection, habang tatlo ay returning overseas Filipinos, at meron pang 30 kaso na sinusuri.

Mayroong nang kabuuang 627 kumpirmadong Delta variant na kaso ang Pilipinas, kung saan 13 na lang ang aktibong kaso.

Ang mga sumusunod ang mga lugar ng 144 local Delta variant carriers, ayon sa DOH.

  • 90 in Metro Manila
  • 25 in Calabarzon
  • 16 in Cagayan Valley
  • 8 in Ilocos Region
  • 2 in Cordillera Autonomous Region
  • 2 in Western Visayas
  • 1 in Davao Region

Other Variants

Mayroong rin kumpirmadong 102 karagdagang Alpha variant na kaso, 101 ay gumaling na habang ang isa ay aktibo. Ang bansa ay may kabuuang 2,195 Alpha variant carriers na may 19 aktibong kaso ng Alpha variant.

Kinumpirma rin ng DOH na may 59 bagong kaso ng Beta variant, 57 ay naka-recover na, habang ang isang kaso ay nagpapagaling pa at ang isa ay sinusuri.

May kabuuang 2,421 ang naitalang Beta variant infections ang Pilipinas, kung saan 18 ay aktibong kaso.

Na-detect rin ng DOH ang 14 bagong P.3 variant infections, dahil dito ang kabuuang kaso ng P.3 variant sa bansa ay nasa 301, na may isang kaso nanatiling aktibo.

Sa bagong naitalang P.3 carriers, 13 ay lokal cases, may dalawang kaso na namatay habang ang 12 naka-recover.

Ang P.3 variant ay unang naiulat sa Central Visayas noong Pebrero. Ito’y hindi na kinokonsiderang “variant of interest.”

Ang nasabing variant ay may mutation na naka-link sa mas mataas na transmissibility, ngunit wala pang ebidensya na nakakadulot ito ng ganoong epekto, batay sa mga officials.

Source: ABSCBN