Connect with us

Aklan News

“Halin sanda sa baligya ag nagkaon” — pamilya ng magtihuying street food vendors na pinagsasaksak ng mga menor-de-edad, nananawagan ng hustisya

Published

on

Nananawagan ng hustisya ang pamilya ng magtiyuhing streetfood vendor matapos silang brut*l na pinagsasaksak ng tatlong menor-de-edad sa Roxas Avenue, Kalibo, madaling-araw ng Biyernes, Mayo 9.
Ayon sa salaysay ng tiyahin ng mga biktima, galing ang magtiyuhin na 25-anyos at 15-anyos sa Barangay Tambak, New Washington matapos magtinda ng streetfood.
Dumaan sila sa isang fast food chain sa Roxas Avenue para kumain.
Habang sumisilong sa labas dahil sa ulan, nilapitan umano sila ng tatlong binatilyo at nauwi sa mainitang pagtatalo.
Pinaalis sila ng security guard dahil sa kaguluhan, kaya umalis naman agad ang magtiyuhin.
Ngunit sinundan pa rin umano sila ng mga binatilyo at doon na naganap ang pananaksak.
Tinamaan sa kaliwang kamay ang pamangkin, habang nagtamo ng mga saksak sa tiyan at kili-kili ang tiyuhin nang ito ay manlaban.
Matapos ang insidente, agad tumakas ang mga binatilyo sakay ng motorsiklo.
Isinugod sa ospital ang mga biktima, ngunit binawian ng buhay ang tiyuhin.
Patuloy namang nagpapagaling ang pamangkin nito.
Arestado naman agad ang tatlong binatilyo matapos ang isinagawang backtracking ng Kalibo PNP gamit ang CCTV footages sa lugar.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente. | via Jisrel Nervar, DKP