Connect with us

Aklan News

KOTSE, NAAKSIDENTE DAHIL SA MGA NAHULOG NA MGA SEMENTO MULA SA TRAK

Published

on

Dalawa ang sugatan matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang kotse dahil sa mga nahulog na semento mula sa truck, bandang alas 7:47 nitong umaga sa Sitio Bangbang, Feliciano, Balete.

Nakilala ang mga biktimang sina PSMS Sharon Payba Odoms ng Altavas PNP, at Roderick Mayor Doroteo, pawang residente ng Altavas, Aklan.

Base sa imbistigasyon ng Balete PNP, pauwi na sina Odoms at Doroteo sa Altavas nang mabangga nila ang ilan sa mga nahulog na semento sa kalsada mula sa kasalubong nilang truck na minamaneho ni Nelson Batir, ng Badiangan, Iloilo.

Sinasabing iniwas pa ni Doroteo ang kotse subali’t aksidente naman silang bumangga sa truck na minamaneho naman ni June Mark Viches ng Dumangas, Iloilo, na sumusunod naman kay Batir.

Sa lakas ng pagkakabangga, bahagyang tumirik papunta sa direksyon ng Kalibo ang kotse na nagtamo ng pinsala sa unahang bahagi.

Mapalad namang minor injuries lamang ang tinamo ng mga biktima na kaagad ding dinala sa pribadong ospital sa Kalibo, habang hindi naman umano nasaktan ang sina Batir at Viches.

Samantala, sinabi naman ni Batir na natanggal ang lubid na nakatali sa mga semento, rason ng pagkahulog ng nasa 300 na bag ng karga niyang semento.

Pansamantala naman siyang ikonostodiya sa Balete PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Kaugnay pa nito, kaagad pinagtulungang hakutin at itabi ng mga rumespondeng taga Balete PNP at mga residente sa lugar ang mga nagkalat na mga semento, habang binombahan ng BFP Balete ng tubig ang kalsada dahil sa mga kumalat na semento.