Connect with us

Aklan News

LGU Kalibo salat sa pondo; gastos sa culling ops vs ASF, hindi afford

Published

on

HINDI NA MAKAYANAN ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang gastusin para sa culling operation ng mga baboy na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Uriel Laspiñas ng Kalibo Municipal Agriculture Office hindi sapat ang pondo ng LGU para sa mga gastusin sa culling operation.

Ito ay dahil sa dami ng baboy na kailangang nilang isailalim sa culling.

Inihayag ni Laspiñas na umabot sa halos P200,000 na ang kanilang nagastos sa unang culling operation na isinagawa sa barangay Caano.

Sa katunayan aniya, mula sa 100 baboy, 55 lamang ang nakayanan ng kanilang pondo.

“May aton mat-ana nga ginatawag nga culling ugaling indi naton makaya ro kunbaga sa anu hay total depopulation within the 500 meter radius bangod ngani sa permiro eagi namon nga pag-culling sa barangay Caano, out of 100 heads hay 55 heads eang ro amon nga ha-culling kato,” pahayag ni Laspiñas.

Kailangan kasi aniya nilang magbayad para sa manpower, sa mga kagamitan na kailangan at iba pang logistic.

Napag-alaman na ang lahat ng mga baboy na sakop ng 500 meter radius ay kailangang isailalim sa culling upang maiwasan ang paglaganap ng ASF virus.

Sa kasalukuyan, mayroon nang anim na barangay sa Kalibo ang may kaso na nang ASF.