Connect with us

Business

Lyka binaha ng encashment request galing sa kanilang mga Partner Merchants

Published

on

LYKA

Ang Lyka, isang social media app, ay binaha ng encashment request galing sa kanilang mga merchants dahil sa banta ng Bangko Sentral ng Pilipinas na i-suspend ang kanilang operasyon.

Ang mga hotel chains, restaurants, resorts, jewelry stores at iba pang retail outlets, ay dali-daling nag-file ng request para i-convert ang kanilang gift cards na electronic mode o GEMs papuntang cash, sinabi ng industry sa The STAR.

Ang mga halaga ng request nila ay nag-rarange mula sa ilang libong piso hanggang umabot na sa milyong piso.

Ngunit, tiniyak naman ng Lyka sa kanilang mga partner merchants na “committed” sila sa serbisyo na naaayon sa batas.

“We wish to inform you that Digital Spring Marketing and Advertising Inc. (Digital Spring) has been continuously in touch with the BSP for the purpose of registering itself as an operator of payment system (OPS), being the official Philippine marketing service provider, lincensee and operator of the Lyka mobile application,” ayon sa sulat ng Lyka para sa kanilang mga partner merchant.

Batay sa mga ilang partner merchants, tinanggap na ng Lyka ang kanilang request na i-encash ang kanilang mga GEMs at “committed to service this within 30 days,” ito’y ayon sa mga sources.

Dagdag pa nila, temporarily suspended muna ang pagtatanggap ng mga Lyka GEMs galing sa mga customers hanggang hindi pa nalulutas ang isyu sa monetary authorities.

Inutusan ng BSP na itigil muna ng Lyka ang kanilang operasyon hanggang maka-secure sila ng licence mula sa BSP bilang isang OPS para maprotektahan ang kabutihan ng publiko.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, na sa ilalim ng Republic Act 11127 o ang National Payment Systems Act, kailangan pa rin mag register ng Lyka sa central bank.

Ang Lyka, na tinatag ng Silicon Valley at isang Hong Kong-based company, ay pinapayagan ang kanilang mga users na bumili, mag-exchange at gumamit ng GEMs bilang bayad sa mga goods at services.

Kinokoleta ng mga users ang mga GEMs at ginagamit nila ito sa mga hotels, restaurants at iba pang mga retail stores, kung saan nakakagawa sila ng digital retail ecosystem.

Pagkatapos, ang mga merchants naman ay ginagamit ang GEMs para i-encash nila ito sa Lyka, kung saan makakakuha sila ng five percent share mula sa kanilang transanctions.

Source: PhilStar